domingo, noviembre 26, 2006

Dark skies

I hate dark skies. In Malaga, we've been getting a lot of dark skies lately and the feeling that one gets by looking at them is generally cold. The clouds always seem heavy these days and it's hard to see a patch of blue. So I was surprised when I woke up this morning and found that the park outside my flat was blanketed with sunshine! What a pleasant view it was! I even managed to write a poem, and I feel quite good because I'd stopped doing it for some five years already. Reminds me somehow of my college "literary" past, but at the same time it feels odd to be doing it again. Anyway, here's the poem I just wrote.

Hilaga

Pa-hilaga
ang daang
babagtasin nitong mga paang
hahakbang unti-unti,
papalayo.
Mag-iiwan sila ng yapak
sa rutang walang malay
na iguguhit
subalit hinding-hindi sila
babalik.
Magbabaon lang sila
ng lupa sa talampakan
at sa pagitan ng mga daliri.
Aakyat sila ng bundok
at mamumuo ang putik
sa loob ng kanilang kuko,
tutubo ang mahapding balat
sa talampakan.
Lalangoy sila sa dagat
at mangungulubot
sa lamig.
Pagsapit ng gabi,
dadalawin sila sa panaginip
ng hilaga, at magbubulugan
sa pagtulog ang mga daliri:
Gusto naming matunton ang hilaga.
Paano kung matuklasan nilang
ang hilaga pala'y kathang-isip?

No hay comentarios: